Ang Dakilang Pananampalataya ng isang Ina (Mateo 15:21-28)

Ang salaysay tungkol sa babaeng Cananea na matatagpuan sa Mateo 15:21-28 ay tungkol sa isang ina na tumawid ng hangganan ng marumi at malinis, banal at di-banal upang lumapit kay Jesus at humingi ng tulong para sa kanyang anak na inaalihan ng demonyo. Para sa mga Katoliko, salaysay tungkol sa babaeng ito ay isang halimbawa ng panalanging nagmumula sa pananampalataya. Ito rin ay isang antisipasyon ng pagtanggap ng mga Hentil kay Jesus.
Ang Mateo 15:21-28 ay matatagpuan pagkatapos ng pagtatalo ni Jesus at ng mga Fariseo tungkol sa malinis at marumi, sa Mateo 15:1-20. Sa huling bahagi ng mga talatang ito, ipinaliwanag ni Jesus na ang nagpaparumi sa tao ay hindi yaong mga pumapasok sa kanya mula sa labas kungdi ang mga nagmumula sa kanyang puso. Pagkatapos nito ay ang paglipat ni Jesus sa mga hangganan ng Tiro at Sidon, ang geograpikong hangganan ng Banal ng Lupa at ang lupain ng mga pagano. At doon, sabi sa tekstong Griyego, may babaing tumawid ng hangganan upang lumapit kay Jesus (tingnan ang salin ng Ang Biblia). Ang babaing tumawid ay nagmula sa mga lugar ng Tiro at Sidon. Ang pagbanggit ng salitang "hangganan" ay nagpapahiwatig sa mambasa na ang salaysay ay tungkol sa kung hanggang saan maaaring iparanas sa mga hindi Israelita ang mga pagpapalang itinakda para sa mga anak ni Israel.
Talking Points
- Ang Konteksto: sa Hangganan ng Malinis at Marumi
- Ang Babaeng Tumawid ng Hangganan
- "Cananea"
- "Aso" na Hindi Dapat Binibigyan ng Tinapay para sa mga Anak
- Dakilang Pananampalataya
- Kumakatawan sa mga Hentil
- Anunsiyo ng Pagpapakain ng Iglesya ng mga Hentil
- Halimbawa ng Panalanging Nagmumula sa Pananampalataya
Basahin din ang mga sumusunod na pahina:
- Mag-aral: Ang Babaeng Cananea (Mateo 15:21-28)
- Tagala: Ang Pananampalatayang Dakila
No Comments »
No comments yet.
RSS feed for comments on this post.

Standard Podcasts: 







